Wednesday, July 8, 2009

tinanong ako..

Tinanong ako... (tanong na muntik ko ng ika-hulog sa upuan ko)

"Nasa harapan mo ang Diyos ngayon anong sasabihin mo?"

- awts!! kakagulat ah!! anyways well for me siguro "oh my God" kaharap ko na siya!!.. siyempre siya ang first love ko eh... hmmm.. masaya ko kasi kapag kaharap ko na siya ibig sabihin ligtas ako kasi na sa heaven na ko...

una sa lahat hihingi ako ng tawad.. hellow? dami ko kayang kasalanan kapal naman ng mukha ko.. diba? pero siyempre picture picture muna!! pangarap ko yun noh!!.. ok seryoso na.. tapos ayun iko-confess ko lahat lahat ng kahinaan at pagkukulang ko sa kanya lalo na ang mga kalokohan ko no joke.. haaayy titigil ang mundo ko nun.. at isa pa mapapaluha siguro ako ng todo!.. baka mayakap ko pa siya sa sobrang iyak, tapos hihingi ako ng thank you sa lahat lahat kahit sa mga problema ipagpapasalamat ko parin yun

ewan ko marami na akong pinangako sa kanya ngunit iilan lang dito ang natupad.. napakahirap maging matuwid lalo na sa panahon ngayon maraming temptations.. ewan ko ba kase kung bakit ang hirap iwasan!.. Kahit alam ko na ang Diyos ay marunong magpatawad hindi nangangahulugang pwede na natin abusuhin lahat.. diyan tayo nagkakamali..

"Bakit kung kailan mo pa siya makakaharap saka mo lang gagawin o sasabihin yan?"

- Isa pang awts!!.. ha? ah eh kulang na lang mapakamot ako sa ulo ko.. alam ko ginagawa ko yun humihinga ako ng kapatawaran, makasalanan ako alam niya yun... pero ibang usapan na siguro kapag kaharap ko na ang Diyos. at siyempre pagakatapos ng lahat marami din akong itatanong sa kanya..

"ayan pwede na ba yang sagot ko?"

"Ano ba ang una mong itatanong kung saka-sakali?"

- Unang una siyempre ang ating bansa (weh? hindi nga? cgurado ka ba?)may pag-asa pa bang umunlad? pangalawa siyempre pang-sarili ko na yun (sakin na lang yun at alam na niya yun matagal na) pangatlo sa mga mahal ko sa buhay (ayan totoo na) yan lang siguro kasi yung iba na sa BIBLE na rin naman ang kasagutan ee... kung nagbabasa nga ng Bible..

IKAW? NASA HARAPAN MO NGAYON ANG DIYOS ANO ANG SASABIHIN MO?

4 comments:

manik_reigun said...

naku...

(baka yan rin una kong sasabihin pag nakita ko si Lord..)

tapos, sabihin ko:

deds na po talaga ako?wala na 2nd chance? ^_^

Camil said...

hehehe.... ayus aa...

HARI NG SABLAY said...

haha ntawa ako sayo tlgang una ang bansa ah?totoo ba yun?di nga?npkapatriotic mo nman,bait-bait.

ako una kong sasabihin mahal ko siya,saka salamat, kung bibigyan niya man ako ng isang kahilingan,teka isip muna ako,hirap niyan ah.hmmm...hihingin ko lahat ng kasiyahan sa mundo.

*jentootz* said...

ate anganda ng profile mu.. pde ba q favor?? haha. san makakauha ng mga layouts na mgaganda?? f ok lan xau?? di pa xe q maxado inform bowt sa mga gadgets ng blogger ee.. :) tenksz.

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin