Alas diyes na ko nagising.. ang sakit ng ulo ko ewan ko ba dahil siguro sobra na ang tulog ko.. ang alam ko sasamahan ko ang kapatid ko na magpainjection. dahil sa kagat ng aso ng kapitbahay namin.. sa totoo lang, tatay ko ang unang biniktima ng asong iyon sumunod lang ang kapatid ko. Ayoko talagang samahan ang kapatid ko dahil nung malaman kong sa maynila pala siya iinjectionan sinabi ko sa sarili ko ayoko na lang. Maynila? kapag naririnig ko yan naiinis ako.. ang alam ko kase magulo, madaming tao, mabaho at maraming krimen at isa pa ayoko magmukhang tanga o talagang tanga lang ako, dahil wala talaga akong msyadong alam sa maynila.. at matagal na rin nung huli akong nakarating doon wala na ko masyadong matandaan. Halatang hindi ako gala. Daig ko pa ang probinsiyanang aaanga-anga. Nasabihan pa ko ng nanay ko "ang laki laki mo na!" eh sa ayoko nga! no choice kaya ayun napaligo at bihis na ko kahit masakit ang ulo ko.Hindi ko alam ang sasakyan namin kaya tinanong ko na muna sa nanay ko ang buong detalye ayokong maligaw isa pa wala kaming pera. Malayo layo rin ito mula sa amin. siguro mahigit isang oras ang byahe. Sa wakas natunton ko rin ang aming pupuntahan,, pagpasok sa ospital sa isang publikong ospital sa maynila may isang lalaking sumigaw , agaw atensiyon,,lahat ng tao napatingin at naki-usyoso.. .. nagsisisigaw ito at inaawat ng iilan tanaw ko pa ito sa kinatatayuan ko pero humaba parin ang leeg ko.
"bakit siya kinuha" (naghahagulgol ito at pilit na pinupukpok ang pader)
...."ganyan talaga anak"
kulang na lang magwala. haaay wag na tayong mang-himasok ng ibang buhay,
Habang naglalakad may napansin akong taong ngingiti ngiti sakin. Si ninang pala!!.. ayun walang sawang batian at kamustahan.
Mabilis na nainjectionan ang kapatid ko, ganon talaga siguro kapag sa ospital nagtatrabaho ang isa sa mga kamag-anak mo o may kakilala ka.. mapapabilis ang proseso kung tutuusin ang haba ng pila. Wala pang ilang minuto tapos na ang lahat.
Habang papaalis na kami napaisip ako bigla... hindi ko nga pala alam ang pauwi. ang alam ko kase iba ang dinadaanan pag-uwi. nagtanong tanong na lang ako. Ibang iba na doon natatandaan kong hindi yun tulad dati,ang dami daming umiihi sa pader. ang baho na tuloy ng paligid kaasar!.. hanggang sa marating ko ang sakayan, may binibigay na parang token pagkatapos magbayad. ayun nagmukha na naman akong tanga, habang nasa loob ng jeep siya naman lakas ng buhos ng ulan, naku! heto pa ang trapik, naiinip na ko. Saka ko lang naalala na dala dala ko pala ang libro ni Bob Ong, ayun dinaan ko na lang sa pagbabasa.Mangangalahati na ko sa isang pahina ng may biglang nagtanong.
"Ma dito na ba?"
.. "wala pa ho malayo pa"
buti na lang kasi kung walang nagtanong baka maposes na naman ako ni Bob Ong at makalagpas sa aming bababaan, habang tuloy parin ang pagbagsak ng ulan. Wala kaming payong!
Sanay akong iisa lang ang sinasakyan pauwi.. sasakay pa pala kami ng isa pa..ayun sosyal nag FX kami kung hindi ko lang kasama kapatid ko malamang nag-jeep ako o bus na hindi aircon. Sa pagkokomyut hindi ako mapili sa sasakyan basta wag lang mabagal ayokong maimagine na parang may patay.
Mainit ang ulo ko! pano ba naman kasi may dapat akong puntahan pagkatapos ng injection, minadali ko na lang ang lahat pero wala pala akong mapapala.
sa wakas nakauwi na rin kami. gutom na ko, namiss ko ang pishbol at siomai mga pagkaing ipinagkait sa akin ng aking alergy. haaay
No comments:
Post a Comment