Wednesday, July 15, 2009

Kandila



Bukas sa pag gising mo’y
Babangon ang umaga
Dala ang pag-asa
Na matagal ng nawala

At bukas sa pag gising mo’y
Wala na ang problema
Nilimot na ng panahon
At inanod ng alon


Handa ng tawirin
Handa ng harapin ang mundo
Kaya’t gising na kaibigan
Buksan ang ‘yong isipan
At subukang pakinggan
Ang tinig ng karamihan
Ang boses ng (kabataan/puso mo)
Gising na kaibigan ko

(Gising na/Bukas sa) pag-gising mo’y
Sisikat din ang araw
Dala ang pag-ibig
Na matagal nang hinihintay

At kung sakali mang dumating
Na lumipas ang panahon
Iyo pa ring mararamdaman
Nandun pa rin ang apoy

Handa ng tawirin
Handa ng harapin ang mundo


Hindi na mangangamba
Hindi na malulumbay
Hindi na matatakot ang puso
Na muling magmahal
At umibig na lubos,
Lumipad patungo sa iyong tabi

-Sugarfree


2 comments:

JETTRO said...

galing nman nito thanks

Rcyan M. said...

galing naman nitong kanta. i loved it eversince i heard it from the radio. maganda ang mensahe nung kanta.

pa-segue way lang po ha.


Ate, pwede bang bumoto ka at mag-iwan ng komento sa site na ito?
Heheh... Patulong lang po. Desperado lang makakuha ng t-shirt ni kuya mon. Heheheh... Pasensya na po sa abala.


http://www.designbyhumans.com/vote/detail/58792?page=1

Pakilagay rin po na kaibigan po kayo ni Rcyan. Salamat po talaga ng marami. Pasensya na po uli sa abala.

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin