Thursday, July 30, 2009

Misteryosong magna...

Kaninang umaga pagising ko may hindi inaasahang pangyayari sa loob ng bahay...

ang aga aga ko nagising mga bandang 6:00am kasi naman nagiingay yung tatay ko... pilit na hinahanap yung 400+ nya sa wallet,dahil wala siyang pamasahe at isa pa hindi pa siya nakakapag widthdraw.. ang nakakainis dun napagbintangan pa ako.. anu ba namang malay ko dun noh?, kahit ba bebente pesos na lang ang laman ng wallet ko ay hinding hindi ako mangunguha ng pera lalo na sa tatay ko inaamin ko nung bata pa ko piso piso oo.. hahah.. (seryoso na ulit..)

Nagising na kaming lahat.. hindi parin mahanap ng lintik na pesos sa wallet niya na iniwan niya sa pantalon niyang nakasabit banda sa likod ng bahay namin... Unang pumasok sa isip ko is namisplace niya lang yon, ganon naman kase tatay ko makakalimutin at dun ako nagmana.., maya maya yung kapatid ko bumanat!!..

"asan yung cellphone ko?" abat!!.. naloko na!!!.. nawawala na rin pala ang cellphone niya!.. ngayon yung cellphone naman ang hinanap namin.. hanap hanap hala sige hanap.. hanggang sa....

walang nangyari.. sinubukan kong tawagan... "The number you dialed is out of coverage area" diba its either nakapatay or walang signal yun.. pag ganun ilang beses ko inulit.. makalipas ang mahigit isang oras na paghahanap.. sinubukan ko uling tawagan,, aba!!

Nagring!!... ring ring ring,,,, biglang may sumagot!! "^&**$%,.;"|\!~^" wala akong naintindihan kundi ingay sa labas... "HELLO!!!" walang sumasagot! biglang binaba,, aba loko!.. tinawagan ko ulet... to the nth times.. nagriring ulet... biglang binaba.... isa pa!!!... walang susuko!.. toooooot!! "The number you dialed is out of coverage area" aray!! pinatay na.. wala ng pag-asa.. duon na ko kinilababutan... tama ba? kinilabutan ayan..

Dun na pumasok sa isipan naming wala pa sa wisyo at gulat na gulat.. dahil kagigising lang.. pare-pareho na may nakapasok sa loob ng bahay!!... pero ang malaking tanong eh.. BAKIT YUNG CELLPHONE AT PERA LANG NG TATAY KO ANG TINANGAY?... iniwan pa pati wallet ng tatay ko kinuha lang pera?... aba talaga nga naman...

siyete ayuko magisip kinikilababutan talaga ko!,,.. kasi kung iisipin mo dapat tinangay na niya LCD ng computer,, stove hindi pwede baka sumabog.. yung speaker ng computer... mahal daw yun sabi ng kapatid ko,. tapos yung cellphone ko at nung isa ko pang kapatid at cellphone ng tatay ko?,, bakit ganun?

Base sa aking obserbasyon.. hindi na-ilock mabuti ang pintuan namin.. amp!!!,.. haayss,,, isa pa yung cellphone ng kapatid ko eh nakacharge ng mga panahon na yon.. kaya siguro nakita niya rin pati cellphone.. eto pa take note. yung bente pesos ko sa bag ko.. wow!! nadale rin pala huli ko na nung nalaman ko... ipangloload ko pa sana yun tinamad lang ako, buti na lang din wala akong pera.. na sa ATM ko.. haaay papasalamat parin ako... dahil wala naman nasaktan kasi d naman pwersahan ang pagnanakaw... pero hindi ko parin lubos na maisip kung pano nakapasok yun ng hindi man lang nagpaalam,.. este hindi man lang namin naramdaman,..

10 comments:

RaYe said...

grabe namang magna un!

tsk.. tsk...

Superjaid said...

naku!naranasan na rin namin yan,bata ang nagnakaw sa 1k ni mama tapos ung perfume kong victoria sekreto, naman!anyways, sana mahuli ang may sala..

Anonymous said...

nakaka praning mga ganyang pangyayari. miski ako kikilabutan din..

buti walang nangyaring iba pa. whew!

Chimmie said...

buti lestas kayung lahat. kakatakut naman yan. kandadu nyo lagi mga pintu nyo para hinde na maulet. katakut

Boy Bawang said...

maglagay ng mga trap...

saul krisna said...

uy buti walang nasaktan sa inyo... haaaay choosy naman nung magna na yun.... hehehe di rin siya ganung katalinuhan kasi di pa niya nilimas yung mas mamahaling gamit... hehehehe smile na sis

PinkNote said...

at least walang nasaktan.. =) sana lang mahuli sya, at gumana pa ang kunsensya ng kumuha..hahay, andami talagang magna ngayon..

Camil said...

@ RAYE uu nga bwct d ko tlga akalain makakapasok un d2 sa bahay...

@ SUPERJAID ewan ko ba bakit may mga ganyang tao... amp!!.

@ CHIKLETZ buti nga walang nasaktan ee... hindi pwersahan ang pagnakaw...

@ CHIMMIE honga ee,,, kasi naman d tlga inaasahan,. kampante kame mashado..

@ BOY BAWANG hahaha natawa ko sa sinabi mo.. kasi naisip ko din yan wahahaha.. kaso mahaba habang plano yan wahehe

@ SAUL KRISNA ewan ko ba kung anu na sa utak nun... harmless siya yun lang masasabi ko.

@ PINKNOTE yah korak ka diyan girl.. haaays,. si GOd na bahala sa kanya .. hmp!

caloi said...

Sa hirap ng buhay ngayun kaya maraming nagkakasala gaya ng pag nanakaw. so kailanagan duble ingat always.

Anonymous said...

Haja..
Kulet..
Talagang pasaway..

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin