Thursday, July 30, 2009
Misteryosong magna...
ang aga aga ko nagising mga bandang 6:00am kasi naman nagiingay yung tatay ko... pilit na hinahanap yung 400+ nya sa wallet,dahil wala siyang pamasahe at isa pa hindi pa siya nakakapag widthdraw.. ang nakakainis dun napagbintangan pa ako.. anu ba namang malay ko dun noh?, kahit ba bebente pesos na lang ang laman ng wallet ko ay hinding hindi ako mangunguha ng pera lalo na sa tatay ko inaamin ko nung bata pa ko piso piso oo.. hahah.. (seryoso na ulit..)
Nagising na kaming lahat.. hindi parin mahanap ng lintik na pesos sa wallet niya na iniwan niya sa pantalon niyang nakasabit banda sa likod ng bahay namin... Unang pumasok sa isip ko is namisplace niya lang yon, ganon naman kase tatay ko makakalimutin at dun ako nagmana.., maya maya yung kapatid ko bumanat!!..
"asan yung cellphone ko?" abat!!.. naloko na!!!.. nawawala na rin pala ang cellphone niya!.. ngayon yung cellphone naman ang hinanap namin.. hanap hanap hala sige hanap.. hanggang sa....
walang nangyari.. sinubukan kong tawagan... "The number you dialed is out of coverage area" diba its either nakapatay or walang signal yun.. pag ganun ilang beses ko inulit.. makalipas ang mahigit isang oras na paghahanap.. sinubukan ko uling tawagan,, aba!!
Nagring!!... ring ring ring,,,, biglang may sumagot!! "^&**$%,.;"|\!~^" wala akong naintindihan kundi ingay sa labas... "HELLO!!!" walang sumasagot! biglang binaba,, aba loko!.. tinawagan ko ulet... to the nth times.. nagriring ulet... biglang binaba.... isa pa!!!... walang susuko!.. toooooot!! "The number you dialed is out of coverage area" aray!! pinatay na.. wala ng pag-asa.. duon na ko kinilababutan... tama ba? kinilabutan ayan..
Dun na pumasok sa isipan naming wala pa sa wisyo at gulat na gulat.. dahil kagigising lang.. pare-pareho na may nakapasok sa loob ng bahay!!... pero ang malaking tanong eh.. BAKIT YUNG CELLPHONE AT PERA LANG NG TATAY KO ANG TINANGAY?... iniwan pa pati wallet ng tatay ko kinuha lang pera?... aba talaga nga naman...
siyete ayuko magisip kinikilababutan talaga ko!,,.. kasi kung iisipin mo dapat tinangay na niya LCD ng computer,, stove hindi pwede baka sumabog.. yung speaker ng computer... mahal daw yun sabi ng kapatid ko,. tapos yung cellphone ko at nung isa ko pang kapatid at cellphone ng tatay ko?,, bakit ganun?
Base sa aking obserbasyon.. hindi na-ilock mabuti ang pintuan namin.. amp!!!,.. haayss,,, isa pa yung cellphone ng kapatid ko eh nakacharge ng mga panahon na yon.. kaya siguro nakita niya rin pati cellphone.. eto pa take note. yung bente pesos ko sa bag ko.. wow!! nadale rin pala huli ko na nung nalaman ko... ipangloload ko pa sana yun tinamad lang ako, buti na lang din wala akong pera.. na sa ATM ko.. haaay papasalamat parin ako... dahil wala naman nasaktan kasi d naman pwersahan ang pagnanakaw... pero hindi ko parin lubos na maisip kung pano nakapasok yun ng hindi man lang nagpaalam,.. este hindi man lang namin naramdaman,..
Wednesday, July 29, 2009
may asim pa sila..
Tuesday, July 28, 2009
Bakit ba kase may EXAM?
EXAM..
pagkagraduate..
EXAM..
pag-magaapply ng trabaho...
EXAM parin??
bakit? ito ba talaga ang sukatan ng talino ng isang tao??.. haaaay anu pa ba ang ibang pwedeng maging basehan? edi EXAM!.. sabi ko nga eh.. kailangan ba pag mag eexam nakapormal??.. kailangan bang ipasa mo ang exam? wapak!!
Monday, July 27, 2009
Church Cleaning MODE
Wednesday, July 22, 2009
New7Wonders of Nature
Puerto Princesa Underground River
The Puerto Princesa Subterranean River National Park is located about 50 km north of the city of Puerto Princesa, Palawan, Philippines. It features a limestone karst mountain landscape with an 8.2 km. navigable underground river. A distinguishing feature of the river is that it winds through a cave before flowing directly into the South China Sea. It includes major formations of stalactites and stalagmites, and several large chambers. The lower portion of the river is subject to tidal influences. The underground river is reputed to be the world's longest. At the mouth of the cave, a clear lagoon is framed by ancient trees growing right to the water's edge. Monkeys, large monitor lizards, and squirrels find their niche on the beach near the cave.
HP Fan
haaaay nauwi sa HP ang papanuoring ICE AGE 3 at di matatawarang Transformers... pero try nyo maganda siya... kung talagang Fan kau ni Harry
Saturday, July 18, 2009
MJ's Hair on fire!!
He didnt even notice at first.. It's good that He made his head spin that time,,
I was shocked after my brother showed me this video while he was watching MJ's other videos last night.Surprisingly, when I watched the news and saw it, found out that it's their first time they've published the video.Other people can't wait to see this
Friday, July 17, 2009
Let's play the maze
Make sure your audio is turned on. it's cool tell me what level you stop by giving me a comment
INSTRUCTIONS
1. Guide the blue point through the maze.
2. Don't touch the walls
3. Touching the walls will bring you back to the beginning of the game
4. You have to reach the red wall to finish the level
5. Enjoy and have fun..
just click this link here... START GAME
Wednesday, July 15, 2009
Kandila
Bukas sa pag gising mo’y
Babangon ang umaga
Dala ang pag-asa
Na matagal ng nawala
At bukas sa pag gising mo’y
Wala na ang problema
Nilimot na ng panahon
At inanod ng alon
Handa ng tawirin
Handa ng harapin ang mundo
Kaya’t gising na kaibigan
Buksan ang ‘yong isipan
At subukang pakinggan
Ang tinig ng karamihan
Ang boses ng (kabataan/puso mo)
Gising na kaibigan ko
(Gising na/Bukas sa) pag-gising mo’y
Sisikat din ang araw
Dala ang pag-ibig
Na matagal nang hinihintay
At kung sakali mang dumating
Na lumipas ang panahon
Iyo pa ring mararamdaman
Nandun pa rin ang apoy
Handa ng tawirin
Handa ng harapin ang mundo
Hindi na mangangamba
Hindi na malulumbay
Hindi na matatakot ang puso
Na muling magmahal
At umibig na lubos,
Lumipad patungo sa iyong tabi
-Sugarfree
Tuesday, July 14, 2009
Hindi niya ako pinatulog..
"Tin pahiramin mo nga ako ng bolpen at intermediate pad mo isa lang dali"
hihiga na sana ako sa kama ko habang inaabot ko ang lapis at papel may biglang....
sh*t! (hindi ako palamura peksman) iP-pis!... wapak!..
"Tin takbo" ayun!!
"ate anu ba yun?" (inosenteng mukha)
"IPISssss!!!."
Napatalon ako mula sa kama ko.. ang taas pa naman ng dobol deck. aw!
haha parang natawa ko sa sarili ko kasi yung kapatid ko dedmakels lang..
inaamin ko takot ako sa ipis kapag lumilipad...
Pesteng ipis!!! nakalimutan ko tuloy kung anong isusulat ko sa gulat ko..
Hala!! hindi na ko mapakali.. dahil sa lilipad-lipad na ipis malapit sa kama ko...
Ayoko ng mahiga!.. hindi ako titigil hanggat hindi kita napapatay..
biglang nawala!!,,
Waaaa!!! asan na yun?
"ate anu ba yun ipis ba?"
gusto ko ng batukan yung kapatid ko na abala sa pag-aaral ng leksyon
hinintay ko hanggang lumabas, nakakapagod ang walanghiya..
"Ano ka ba!!!" may ipis na nga hindi ka pa kumilos diyan!!
"Tignan mo nga (2x) don!!... dali!" (para kong siraulo nung gabing yon)
"wala na Te"..
(hinga malalim) lilingon lingon sa paligid, nawala ang lintik na ipis..
"Wala na!!! ano ka ba matulog ka na nga!!"
Aba ako pa tuloy ang napaginitan ng kapatid kong asarin.. tsk!!
haaay napagod ako kakahintay ayun hanggang sa antukin na ko,,,,
hikab hikab...
at...
aba'y teka,,, eto na naman siya!!!!!!
lakas mang-badtrip ng ipis na 2...!!..
Mga Sumagot sa Liham ni Doday
advice lang eto ah, baka sya ang meron ibang mga babae... ganyan din ako noon..
Mula kay Fjordan Allego
si doday naman.. ngayon lang yata nainlab... ganyan talaga yan.... kailangan niyong malagpasan yan.. kung hindi, malamang hindi kayo para sa isat isa.. ganun lang yun!
Mula kay ACRYLIQUE
Ako ang nahirapan sa pagbasa ng liham mo Doday.
Maghanap ka na lang ng iba. :)
Sunday, July 12, 2009
LIHAM mula kay Doday
Baket pu ba ganeto? ako na lang pu lage ang may male..? (mali) aku na lang lage ang may kasalanan? sa ameng dalawa ng buyprind ko? kase po akala neya tinotaym ko seya eh hende naman po tutou yon, ang sabe pa neya madame daw akong lalake eh wala naman talaga sa totou lang. ano po ba dapat kong gawen? naheherapan na po kase ako eh pakeramdam ko lage na niya ako niluluko para makagante seya sa aken.. Nagawa ku na naman po lahat para mapatonayan kong mahal ko seya ee. Gosto ko na nga po somoko mensan ee piro mahal ko talaga ee wala na ko magawa. tolongan neyo naman po ako..
nagmamahal,
Doday
PS eto po ang akeng pektyur. kayu na po ang manghosga
Saturday, July 11, 2009
Wala akong maisip
marami akong gustong iimport d2 sa blog ko
1 kulang sa oras
2 tinatamad ako madalas
3 nakakapagod.. unsupported
4 ang dami dami. Masyadong matrabaho
UMIRAL na naman ang katamaran ko..
haaay bakit ba kasi ngayon lang ako nakalipat ng bahay ko?
minsan puntahan nyo din ang luma kong bahay. It's for you to find out.
wahaha... wala na naman akong magawa!!
Nagbukas na naman ako ng PC wala na naman ginawa, nagsayang na naman ako ng oras.
May mga oras din pa lang tinatamad kang magsulat.. totoo pala yun.
hirap talaga kapag walang magawa.
hindi rin naman ako makatulog. Gising na
gising naman ang diwa ko..
wala akong maisip! walang pumapasok sa
walang laman kong utak..
magulong magulo ang isip at damdamin ko
Friday, July 10, 2009
Ayoko nga!
Thursday, July 9, 2009
Larawan sa kalsada
Wednesday, July 8, 2009
tinanong ako..
"Nasa harapan mo ang Diyos ngayon anong sasabihin mo?"
- awts!! kakagulat ah!! anyways well for me siguro "oh my God" kaharap ko na siya!!.. siyempre siya ang first love ko eh... hmmm.. masaya ko kasi kapag kaharap ko na siya ibig sabihin ligtas ako kasi na sa heaven na ko...
una sa lahat hihingi ako ng tawad.. hellow? dami ko kayang kasalanan kapal naman ng mukha ko.. diba? pero siyempre picture picture muna!! pangarap ko yun noh!!.. ok seryoso na.. tapos ayun iko-confess ko lahat lahat ng kahinaan at pagkukulang ko sa kanya lalo na ang mga kalokohan ko no joke.. haaayy titigil ang mundo ko nun.. at isa pa mapapaluha siguro ako ng todo!.. baka mayakap ko pa siya sa sobrang iyak, tapos hihingi ako ng thank you sa lahat lahat kahit sa mga problema ipagpapasalamat ko parin yun
ewan ko marami na akong pinangako sa kanya ngunit iilan lang dito ang natupad.. napakahirap maging matuwid lalo na sa panahon ngayon maraming temptations.. ewan ko ba kase kung bakit ang hirap iwasan!.. Kahit alam ko na ang Diyos ay marunong magpatawad hindi nangangahulugang pwede na natin abusuhin lahat.. diyan tayo nagkakamali..
"Bakit kung kailan mo pa siya makakaharap saka mo lang gagawin o sasabihin yan?"
- Isa pang awts!!.. ha? ah eh kulang na lang mapakamot ako sa ulo ko.. alam ko ginagawa ko yun humihinga ako ng kapatawaran, makasalanan ako alam niya yun... pero ibang usapan na siguro kapag kaharap ko na ang Diyos. at siyempre pagakatapos ng lahat marami din akong itatanong sa kanya..
"ayan pwede na ba yang sagot ko?"
"Ano ba ang una mong itatanong kung saka-sakali?"
- Unang una siyempre ang ating bansa (weh? hindi nga? cgurado ka ba?)may pag-asa pa bang umunlad? pangalawa siyempre pang-sarili ko na yun (sakin na lang yun at alam na niya yun matagal na) pangatlo sa mga mahal ko sa buhay (ayan totoo na) yan lang siguro kasi yung iba na sa BIBLE na rin naman ang kasagutan ee... kung nagbabasa nga ng Bible..
IKAW? NASA HARAPAN MO NGAYON ANG DIYOS ANO ANG SASABIHIN MO?
Tuesday, July 7, 2009
"Kamay"
nagkita kami
hawak hawak niya iyon..
pero parang wala akong maramdaman
nanlamig ako.. sobrang lamig
hinawakan ko ng mahigpit
hanggang sa kaya ko..
mainit ang mga ito..
naramdaman ko na rin ang init nito..
ngayon ayoko ng alisin
umalis sa pagkakahawak dito..
ayoko ng lamigin ulit..
naisip ko..
at naaalala ko..
nung una akong hinawakan ng ganon..
parehong-pareho tulad ngayon
doon ko naramdaman ang isang bagay
bagay na walang makakapantay
na matagal ko ng hinintay
FIND ME
"Find me, here in your arms
Now I'm wondering where you've always been
Blindly, I came to you
Knowing you'd breathe new life from within
Can't get enough of you
I want to be where you are
In times of need I just want you to stay ...."
the more i played it the more i wanted to hear the song...
Monday, July 6, 2009
Sunday, July 5, 2009
Gusto ko ng baboy
Tula-tulaan
umagang kay ganda ano kaya ang dala-dala?
mulat ang matang mapungay
para kang may hinihintay...
maya maya'y matu-tulala
wala ka ng magawa,
iniisip kung anong mayroon
ang hatid ng araw ngayon. .
ang simple ng tula haha wala lang.. pag-gising ko yan sa umaga ang ganda kasi ng gising ko ayun type type sa CP... kaso pumanget yung araw ko... pagdating ng hapon... wala ee ganun talaga minsan maganda madalas panget.
"You still have to learn and thank God even it's your worst day"
Ombrophobia
.. maulan takot ako sa ulan!!!
..saklolo nalulunod na ko!!!
Noong bata pa ako, sa lola ko ako nakatira doon na ko lumaki.. nanay ko na sa ibang bansa pa nung mga panahong iyon, tatay ko lamang ang aking kasama at ang isa ko pang kapatid na lalaki.. speaking of rain...? haayy naku huwag mo nang itanong may phobia ko diyan, bata pa lang ako muntik na kong malunod dahil sa baha.. inaamin ko hanggang ngayon hindi parin ako gaanong marunong lumangoy.. grabe ang baha doon.. lagpas tao ng matanda, lalo naman siguro sakin eh bata pa ko noon, natatandaan ko pa kung sino sino na lang ang bumubuhat sakin para lang ilikas sa baha,, tapos madilim ang paligid dahil gabi... takot na takot ako nun ang lakas lakas pa ng mga kulog at kidlat.. grabe pakiramdam ko katapusan ko na.. ang bilis bilis tumaas ng tubig. ang bagal naman bumaba. laging tulay ang
inaapakan ko noon tuwing tag-ulan kasi malapit yun sa palaisdaan kaya mabilis ang tubig,,
kinailangan ko pang i-search sa internet kung anong phobia yun,, eto pala ay isang Ombrophobia, astig sossy,, basta ayuko sa ulan at sa baha... kakatakot.. lalo naman kidlat.. ODK
Oh Diyos ko...
"sometimes it's good to face your own fears"
Saturday, July 4, 2009
walang laman ang utak punong puno ang puso
oo..!!! yun lang.. malamang siguro kung nagtatrabaho pa ko sa call center avail ang calls... haha kasi pag holiday wala masyadong tumatawag.. hah petix na naman sila or kung hindi naman tulog sa break room ahehe... mas masaya yung net surfing tapos scandal uploading and viewing.. haha tama na nga binubuking ko sila.. hehehe... miss ko na haaaay hindi yung scandal kundi ung mga teamates ko kahit sandali ko lang sila nakilala marami akong natutunan,,, natutunan ko dapat pala sumasama sa lakad nila paminsan minsan inuman.. at kwentuhan.. eh ang kaso maya maya shift mo na naman ang pagod at kaantok naman ata nun.. haha kulang na lang i-hold mo si customer ng ilang minuto ng wala namang mabigat na dahilan yun pala tulog ka na.. haha .. oh siya siya pag may time pa ikukwento ko sa inyo lahat..
Friday, July 3, 2009
Masarap ang bawal
Hindi ko alam kung anong tawag dito... basta masarap yun na yun,, wahahaha
may dala pa siyang sungka.. nakakamiss din ang larong ito.. haha ramdam na ramdam mo pagka-Pilipino mo kapag nilalaro mo ito,.... haha sino hindi marunong? tuturuan ko hehe...
kapatid ko masyadong seryoso habang naglalaro.. kala mo totoo, kala mo championship ee hahaha
Taho!
Taho!!!... Taho!!... taho!!..
....I've heard that man again crossing our street every morning...
tagal ko na rin palang hindi na-kakatikim ng taho.,, ayun.. I tried..it's good
suddenly my phone beeped...
"monthsarry"
Thursday, July 2, 2009
I still don't understand
what's wrong?
I woke up late.. turn on the tv and watched my favorite show...
I know its late, im in the middle of the scenes that time,
There's one thing I hate as I watched.
I've heard someone said. .
..."Isa kang mantsa na gusto ko ng tanggalin sa buhay ko.."( aysus mali pala ako dapat pala ganito)
"Isa kang mantsa na gusto ko ng burahin sa isipan ko!."
I admit after hearing those words.. I felt a tear on my eye,.
It reminds me of him...
Here's the story
A boy is handling a huge company,his dad is under a critical condition so he had to run the company by the help of his mom..
He decided to let go the girl that makes him happy... what the F*ck!
Is it true that they can choose career from love?
Is BUSYNESS is another thing that separates two person?..
Honestly I really don't understand this. ..
Why does it happen in real life?
For me there's no such thing as BUSY as if you are loving the person
Well, if I were that guy I would rather continue my career and focus as well to the person that makes me happy.. and if ever my family hinders I would go and fight for it.. It can be my inspiration while running that damn company I have,.
well still I dont understand
can you explain to me... WHY!!!?? im still bothered..