Saturday, June 27, 2009

Laruan

Anu ka nga ba? Sino ka ba?

Kapag kailangan ka dali –dali kang hinahawakan

Kulang na lang ibigay ang mundo

Pati na ang mga nasasakupan nito,

Pero hanggang saan nga ba ito?

Dahil ba masaya? Pano pag may problema?

At kung ikaw naman ang mangailangan?

May panahon pa ba?

Nabalewala ka na?

O nag-iisa ka na naman ba?

Huwag mo kasing pagkatiwalaan

Kung hindi ka naman nauunawaan o dinadamayan.

Ayan tuloy basura ka na naman

Buti may basurahan pang nalalaman

Kundi napabayaan ka na

Wasak ka na…

Durog..

San ka pupulutin?

Ngayon alam ko na

Kung ano ka at sino ka

Laruan ka ba?

2 comments:

saul krisna said...

based!!! oha oha oha ako ang unang nag comment!!!

hmmmm teka bakit parang nakakaiyak post mo? parang can relate kasi ako eh... hahahahamusta na?

camil said...

haayss,,, umiiyak ako habang sinusulat ko yan...

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin