Friday, June 12, 2009

samut-saring iniisip...


wala ako masabi sa ngayon magulo pa ang mundo at utak ko
minsan gusto ko itanong sa Dios kelan nya ba ko kukuhain?
ang tagal naman ata... inip na inip na ko...

haayyss... sa ngayon hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko
tsk tsk tsk tumatanda na ko minsan naisip ko na rin kelan kaya
ako magkakaroon ng sarili kong pamilya?.. next year? kelan?
hindi naman sa nagmamadali ambilis bilis nga ng araw ee..

bakit ganun? cguro nga masyado akong nasaktan,, sa nangyari
first time ko umiyak ng ganun? nung gabing iyon,,, masakit mang
isipin pero nangyari na ang dapat mangyari,..

sana huminto na ang ulan dahil nagbabalik sa akin ang nakaraan,,,
mahilig ako gumawa ng tula pero hindi ko na ata kaya ngayon..
nawalan na ko ng pagkawili sa pag-buo ng mga tamang salita
siguro dahil na rin sa wala akong magandang dahilan para gumawa
naiisip ko tuloy yung mga nabuo ko nuon ...

marami na siguro akong nakaligtaang araw sa pagsulat..
mahirap talaga kapag walang suporta lalo na sa mga
taong malapit sa iyo at naging malapit sayo...
bakit ganun? nagiisa ba ko? kung hindi bakit
eto yung nararamdaman ko?..

kailangan ko na ba magpatawad? o masyado na naman
akong nagiging mabait? ako na nga ang niloko ee..
saan ba ko nagkulang? anu ang problema?
na sa akin ba talaga?
hindi ko na alam pa!!..http://emo.huhiho.com

No comments:

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin