Friday, May 8, 2009

payong... REPOST back AUG 14 2007

nung naglalakad ako sa ulan naaalala ko ko ito kaya nirepost ko na din.. ahehehe


grabe sa kakanta ko ng kantang to.. "nakatikim ka na ba ng lupet na humahagupet?" ay grabe masasabi kong nakatikim na ko lately lang sha.. Kaw ba naman mawasak ung payong mo napagkalaki laki… asar!!! Oo noh as in wasak!! Wag mo na kong tawanan noh! malas mo!! marami ng nauna sayo!. kung tatanungin ako ano itsura ng payong parang naging skeleton ba... sobrang lakas ng hanging egay anu ba yan bading kase ampf!! buti na lang kamo hindi ako natangay sa nipis kong 2 hindi ako nasama sa lakas ng hampas ng hangin. daig ko pa ata ang nasampal ng sampung ulet o higit pa.. kase naman wrong timing 2ng c egay kung kelan naglalakad ako pababa sa overpass tska sha humagupit.. asar!! wa poise tuloy.. pero ayus lang naman basang basa lang naman ako.. un lang naman... hayyy mukha tuloy akong hindi naliligo sa ayos ko nung mga panahon na iyon,, pero hindi ako nagaalala kase hindi lang naman ako nagiisa.. para kong lantang gulay eh.. as usual nag observe na naman ako ng mga tao sa paligid na dumadaan...habang ako'y nakasilong sa ilalim ng trapal nila ate at kuya na nagtitinda ng rambutan, mansanas, casing ng celphone, saging at mga payong na tumatagala lang kapag hindi tag-ulan... na walang nangyari kundi bumuhos sa tabi ang naipong tubig galing sa trapal.., ang daming may bitbit ng payong pero lahat nakasara at nakadikit sa mga ulo ng mga nagdadaan... ewan ko bakit ganun parang inepoxy sa mga mukha o ula nila.. samut sari.. babae, lalaki, bakla, matanda, tomboy, buntis, payatot, mataba., maganda, gwapo, galisin, ketongin, may mga manyak na sinisilipan ung mga nursing student na nakaskirt habang pababa ng overpass at tinatangay ito ng malakas na hangin, may STD.. haha at kung cno cnu pa.. lahat yan parang mumurahin lang ang mga payong ung bang tag 50 50 pesos sa bangketa.. iba iba reaction ng mga mukha nila.. may gulat may inaantok na parang kala mo wala lang nagtetext pa hindi nya alam bumaliktad na ung payong nya nakanigiti pa ayos bilib ako kay kuya!... may iba naman tili ng tili kala mo ginagahasa,, pati mga lalaki sigaw ng sigaw.. masakit na sa tenga.. pero mapapansin mo sa kanilang lahat eh basang basa sila.. haayy oo nga naman walang kwentang payong.. kapag nababasa ang tao parang nagiging kakaiba sila.. ewan ko ba.. pero narealize ko nung iniwan ko ung payong sa tabi naawa ako.. kase parang pinakinabangan ko din naman un kahit papano tpos mawawalay lang sakin ng ganun ganon n lang. parang gusto kong maiyak.. tsktsktsk..!!. isa pa pa lang dahilan yari ako hiniram lang pla un ng tatay ko sa kaopisina nya!! lagot!!!!

No comments:

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin