Saturday, April 4, 2009

Repost: way back Feb 25 2007 to be exact

Hahaha!!! pigsa pigsa pigsa!!!! ewan ko nga ba kung bakit hindi ka maalis sa aking kapwetan..pilit pnagsisiksikan ang sarili kahit wala naman silbi.. haayyy 6 na beses ang pasakit na inabot...

Una,,,

KATANGIAN: Dying (ung tipong sa sobrang sakit eh parang katapusan na ng buhay mo!!! hanep!)

Grabe ang katangian ng pigsa na toh... First time eh,, kaw ba naman hindi ka patulugin nito ng tatlong araw!! pakiramdam ko naubos luha ko nung mga panahon na yun.. LUfet papampam talaga siya.. amp! ni hindi ako makaupo ng maayos at makalakad daig ko pa ata ang isang kawawang lumpo!! walanjo! lahat na ata ng mga santo natawag ko na sa sobrang sakit!!.. akala tuloy ng mga katrabaho ko patay na ko o kaya nabuntis...nakakahiya mang sabihing pigsa... speaking of that naaalala ko tuloy nuong ako'y inonotify nga aking nanay sa HR namin sa opis tawang tawa ang bruha... ng sabihin ba naman na PIGSA ang dahilan kung bakit wala ako.. hahahanep diba?? eh ano naman?? eh kung sayo kaya nangyari toh noh ewan ko lang kung kung kayanin mo...loka ka! pero syempre joke lang yun!.. pakiramdam ko tlaga katapusan na ng buhay ko nun.. sobrang dasal ko na sana pumutok na sha!!.. kaso talagang hindi pa ata right time.. nakS!! gumaganon pa sha ang drama..

isang gabi hindi ko na ata talaga kinaya!!! at naisipan kong tumayo sa aking kinahihigaan,, (nakadapa) napaisip ako pano pala ako bababa? haha nasa taas pala ako ng double deck namin? hayyss waaaahh!!! nilakasan ko na ang loob ko at ayun wag mo ng tanungin kung pano?.. at kahit ako hindi ko matandaan... basta nakababa ako,mdaling araw na nun.. naghanap ako ng gamot!! awa ng Diyos may nakita naman ako pero syempre tinanong ko pa yun sa nanay ko.. haayyy mahimbing shang natutulog nuon kaya nga tinanong ko sha kung pwede ko ba yun inumin tinanong nya din ako ng "alas dose na ba? cge pwede na" sa isip isip ko magaalastres na nun.. anu un? joke?? ewan ko ba auko naman maghintay pa ng alas dose ulit.. gayong mamamatay na ko sa sakit.. basta ininom ko lang sha agad agad... ayun hanggang sa aakyat na naman ako sa kama kong ubod ng taas...kawawang nilalang...

hanggang sa dumating na ang pinakahihintay kong araw... yahoo!!! pumutok din sha!!! yes!!! .... feeling ko nanalo ako sa lotto ng hindi naman tumataya ni minsan.. para kong naakyat ang mount everest ng ako lang kahit takot ako sa heights... para akong nakapatay ng isang kaaway!!! bwahaha.. daig pa ang new year!!

Ikalawa,,,

KATANGIAN: Shytype (ung tipong hindi ko na namamalayan meron na naman pala parang kabuteng tumubo)

mmhhhh masasabi ko naman na hindi sha ganon katindi kumpara sa nauna..hindi sha ganon kasakit... naku sinasabi ko sayo 2 araw na naman ako hindi nakapasok.. ewan ko nga kung may sswelduhin pa ko eh,, mas marami pa kong absent kesa sa mga ipinasok ko e.. daig ko pa General Manager namin kung magpakita... lagi kase un wala sa opis at kung andun man sha ayun nakatago lang sa kwarto nyang hindi mapapasok basta basta at hindi mo sha makikita... andun nga sha pero parang wala.. nakakahiya naman sabihin na nagkapigsa na naman ako sa pangalawang pagkakataon... tae naman talaga as usual dun parin tumubo.. ang nakakagigil na pigsa... ay naku hindi na nagsawa.. ayun pumutok naman agad hindi nya nga din pinaalam na pumutok na sha akala ko meron ako yun pala pumutok na sha.... mahiyain talaga,,

ikatlo....

KATANGIAN: Unidentical twins (aba nagsabay ang dalawa parang nananadya na ata ah)

akala ko tapos na ang pasakit ko... yun pala tapos agad ang maliligayang araw ko .. aruy! aguy aguy!!! eh kaw ba naman dalawa eh ewan ko n lang kung d pa ko kunin ni Lord nyan...ang masakit pa nyan masabihan ka ng hindi ka naliligo! aray! para sabihin ko sa kanila naliligo ako noh!! every other day nga lang.. niwala ka naman? hindi ah!.. bkit ganon hindi kase ako pinagpapawisan ng matindi,,, sabi pa ng iba tataba daw ako un naman tlaga ang pinakahihintay ko.. pero nagulantang ako ng sabihing sa ikapitong pigsa! walanghiya!! yan pampito pa pala! wala bang tawad? eh nakaka apat palang kaya ako! sa bagay 3 na lang!!! waaaahhhhhh,,, kaya ayoko maniwala sa mga sabi sabi lang.. etong dalawang pigsa pang asar hindi pa sabay pumutok nauna pa yung isa.. para isang sakitan na lang sana...mga walang pakisama!!!

hindi nagtagal tatay ko naman ang pina naman shang tinamaan ng bala sa hita at nasabugan ng dinamita!! naconfine pa nga eh.. ayun dinalaw namin sha..take note may pigsa pako nun... dun kami natulog may 3 kama 2 sa pasyente at isa para sa bantay na malapit sa pinto.. ang lamig.. natakot nga ko nung minsan sa kasarapan ng tulog ko biglang bumukas ung pinto tpos may babaeng nakaputi... napatayo ako sa takot babaeng nakaputi langya akala ko whitelady un pala nurse! magbibigay lang ng gamot!!! d man lang kumatok ang bruha!..

Ikaapat....

KATANGIAN: Small but terrible (kepal)

Masasabi kong ang cute nya tignan dahil maliit sha... kakagigil talga!.. bangis!! anliit liit pero wag ka masagi lang sha ng kung anu... mapapsigaw na ko sa ubod ng sakit,,, oo nga pala... one time nung nakahiga ako patagilid.... at patulog na.. pasaway na kapatid ko hindi nya sadyang hampasin ang pwet ko dahil ewan ko ba kung excited akong makita nya ako galing skul o excited shang makita ko sha.. basta un na yun parang tae lang waaaahhh!!! ayun napasigaw ako sa saket... ewan ko kung matatawa ako o magagalit sa kanya!! hanep talga ung araw na yun.. kirot pa ng kirot kala mo laging tinatamaan hindi naman.. kepal nga... hayyss kelan kaya matatapos toh may dalawa pa ata kase panglima ko na toh... hayy tantanan na nila pwet ko ah...

..hayun anung naiwan sakin? nagiwan pa ng mga souvenir ang mga walanghiya... mahal na mahal ako!..ayan nagiwan ng PEKLAT... yan ang pinaka karumaldumal na hatid nila sakin.. ang saya noh? hindi na nakakatuwa...

TANONG:

1. Anong magandang panlunas sa pigsa?

2. Bakit nagkaroon ng pigsa sa mundo?

3. Anu ano ang mga bagay na naidudulot nito sa tao?

4. Ilarawan at iguhit ang pigsa sa isang maliit na papel.

5. Anong aral ang iyong natutunan? at ilang beses nabanggit ang pigsa?

ill give you 3 minutes to answer that.... timer starts now.. english???

No comments:

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin