Thursday, February 19, 2009

Selosa

-Andrea Camille A. Yumo

Bakit ba ganito ang aking nadarama?
sa tuwing ika'y wala ako'y parang walang tiwala
anu nga ba itong nadarama ko?
hindi ako mapalagay mahal ko
sana'y malaman mo na ikaw ang iniisip ko
laging ikaw kahit wala ako

sa tuwing ikay kaulayaw
at hindi ko natatanaw
hindi ko alam ang gagawin ko
wala akong magawa yun ang totoo
ako'y labis na nangangamba
na baka maagaw ka ng iba
hindi naman sa walang tiwala,
sadya nga bang ako'y pinanganak na selosa
o d kaya nama'y mahal lang tlga kita

Makasarili ako kung tutuusin
ayokong ako'y nabibitin
ayokong may kahati sa iyong pagibig
pagmamahal ko'y parang tubig
wala akong pakialam sa sasabihin ng iba
marahil naiinggit lamang sila
walang sinuman ang mkakapaghiwalay sa atin
wala kahit isa man sa atin

Iniibig kita ng lubusan
kaya't mga ganoong bagay d maiwasan
pagbigyan ang pusong nangugulila
ako'y nananabik sa muling pagkikita
sa mga yakap mong walang kawala
sa mga halik na ngayon lang napala

Huwag mong bigyang kahulugan
ang mga bagay na walang katuturan
ng hindi na lumaki pa ang problema
sa halip magtulungan tayong dalawa
ng maayos natin ito hangga't maaga

salamat dahil nanatili kang tapat sa akin
sapat ng alam kong walang namamagitan sa atin
sana'y hindi ka magbago
dahil makakaasa kang ako'y hindi gago
walang iwanan hanggang sa dulo
tae ka magkakamatayan tayo

No comments:

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin