Friday, September 18, 2009

cont. BUS..

7 Leave your comment
....

haha may kontinwasyon ang aking byahe sa BUS..

ewan ko ba bakit ganun...??

sumakay ako ng bus uwi ko mga 4am..

umupo ako sa 2 seater..

nakatulog ako sa BUS grabe na kase yung antok ko...

pagising ko d ko namalayan may katabi na pla ko..

maya maya.. nakikiramdam ako kase pakiramdam ko hoholdapin na nya ko

dumukot.. ang tagal dahandahan...

cellphone "miss pwede malaman number at name mo?"

anak ng baka!!! halos mamatay ako sa gulat ko dahil akala ko holdap na tlga!!

"Ako nga pala c ________ "

d parin ako makarecover.. speechless parin ako...

sabi ko na lang "anne" sa sobrang kaba ko..

mukha naman mabait kase totoy pa itsura... kaso mahirap parin magtiwala..

buti na lang bababa na pla ako.. wahaha.. :))


yun lang sana yun na ung huli..

Friday, September 4, 2009

Bus...

9 Leave your comment
isang araw sa bus,,.

may dalawang lalaking tumabi sakin.. biglang nagtanong..

"miss ano ba yan "air supply?"

bigla akong napatingin sa tv... videoke pala ng oo na air supply...

"ah oo ata" ang lalim kase ng iniisip ko nung mga panahon na yun..

"ah sabi ko na nga ba air supply galing ko tlga" sabay nagyabang yung isa pa..

"ate taga san ka? " sa isip isip ko ganun na ba ko katanda para tawagin nyang ate? ayus toh a...

hindi ako umimik nung una...

"ate taga san ka nga?" nabwiset na ko...

"taga diyan lang ako sa tabi tabi" sabay simangot.

"ate pwede malaman number mo?" mga banat.. aw!!

" wala kasi akong number"

"ganun? ano na lang name mo? " alangan sabihin ko wala akong pangalan.. mashado naman ako

pakyut nun,, amp!!! d tlga ko nagpapakyut noh!!..

"kase student kami ng "___________" kakauwi lang namin...

pakilam ko naman dun diba?.. d ko naman tinatanong... pasaway,,

sabay lipat ako ng upuan.. wahaha

"ate bababa na kami ah babay" para naman close na kami samantalang hindi ko naman

sila pinagkakausap nun... haha...

sumunod na araw sa BUS ulit..

"Ma, bayad ko sa ______ isa lang..." biglang napatingin sakin yung katabi ko..

yun pala parehas kami ng bababaan,,,

"Ma bayad, sa ______ din ako isa lang..."

"miss taga san ka ba dun? "

"sa tabi tabi lang" lagi naman ganon sagot ko... wahaha

"ah ako kasi may dinadalaw akong kaibigan"

sa isip ko,, anu naman?.. sus kaibigan daw bumenta na yan uy!!.. minsan pa nga bestfriend lang

ee,, hahaha

patay, sabay kami bababa.. mamaya sundan pa ako nito... tsk!!.. madaldal..

oo na lang ako ng oo... haha..!!..

pagbaba binilisan ko na lang yung lakad ko... hala

lakad lakad lakad... andilim pa naman...

na sa tabi ko lang pala ang mokong... ayun wala naman sabi nya lang

"una na ko miss, ano nga name mo?"

sasabihin ko sana bogart hahaha lol..

ayun wala na siya...


naisip ko lang nakakatakot magtiwala... kahit pa sabihin mong gwapo.. hahaha lol

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin