Thursday, August 16, 2007

"Paranoid"

Ewan ko ba bakit ganito walang clue walang kahit ano

Medyo mahirap ipaliwanag kung bakit nararamdaman ko

ang mga bagay na ito

Dahil ba sa mga pinpapakita o sa mga napupuna?

Ano bang dahilan ng mga ito? Mali ba akong nagmamahal sayo?

Sino sa tingin mo ang sisisihin ko?

Ikaw ba o ang aking sarili?

Hindi na ko mapakali

Lagging may bumabgabag sa aking tinatahak

Laging may panggulo na dumadalaloy sa aking utak

Malay ko ba kung tama, Ewan ko kung masama

Siguro kung ito'y sobra na

Hindi ko na ata kayang kumawala

Mga hinala'y hindi maiwasan, Hindi ko alam kung hanggang saan

Pero bakit pinagpipilitan ng aking damdamin

Ito'y laging nakabitin

Hindi ko ito maiwasan, lagi ko itong pasan

Palibhasa'y wala lang ako sayo

Bakit mo ako ginaganito?

Pero mukhang masaya ka naman, para ka lang nakikipagbiruan

Wala na ang dating ikaw, parang napunding ilaw

Iniwan mo kong buhay, daig ko pa ang namatay

Pinabayaang mag-isa sa dilim, Para kong sinaksak ng patalim

Nag-aaliw na lang mag-isa, hawak ang aking guitara

Sumasabay sa ihip ng hangin, sa malayo lang nakatingin

Alam kong marami na akong nasabi,

Pagod na kong ikubli

Ito ang pinarating mo, buhat sa pagsusuri ko

Pagsusuring maraming basehan

Hindi ko alam kung may patutunguhan

Palibhasa'y nangungulila, sa bawat oras na hindi ka nakikita

Ako'y nakulong sa aking isipan. Wala namang pakinabang,

Ang dami ko ng problema, ayuko ng madagdagan pa

Nadamay ang pusong walang malay

Ng aking isip na mahilig maglakbay

Sanay mali ang mga hinala, wala akong magawa

Ayoko na sanang pagisipan ka

Takot akong mawala ka

----------------------------------------------------------------------------------------------------------
nagawa ko ito nung mga panahong parang pakiramdam ko iniiwasan na nya ko.. madaming pumapasok sa isip ko na kulang na lang pati ang isang bagay na hindi ko dapat isipin... sasabog na utak ko.. kaya ayan,, nag come up yang tulang yan,, haayyss ganun naman ako eh kapag may bago kakaiba o mga ganyan mas mabilis umandar utak ko..

No comments:

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin