….nalulumbay
pagka’t ika’y nawalay
….nagiisa
pagka’t wala ka
….nananaginip
pagka’t kita’y iniisip
….naglalaro
pagka’t inaaliw ang sarili ko
….natutuliro
pagka’t wala ka sa tabi ko
….naiiyak
pagka’t wala akong kahawak
….nagtatampo
pagka’t wala akong alam sayo
….naiinis
pagka’t d ko na matiis
….nababagot
pagka’t hanggang ngayo’y wala kang sagot
….bumubulyaw
pagkat hindi kita makaulayaw
….napupuyat ang chinitang mulat
pagka’t alaala nati’y nasa isip kong lahat
Tuesday, April 24, 2007
Authistic
Kailan lang ba nung tayo’y huling nagkasama?
Kailan lang ba nung tayo’y kumpleto pa?
kailan lang ba nung tayo’y huling nakipaghabulan sa araw?
kailan lang ba nung tayo’y kumain ng sama sama?
para tayong mga bata..
lagi tayong gala
laging nagkakasundo sa mga kalokohan
dahil ito ang dahilan ng pagkakakilanlan
marami na tayong napagdaanan
marami na tayong luhang nalampasan
lahat tayo’y nagdadamayan
kahit minsa’y walang pagkakaunawaan
nahiwalay ang iba
nabawasan ang labing isa
mas masaya na sana
kung buo ang barkada
asan na ang dating pagkakaibigan?
asan na ang dating karanasan?
asan na ang mga kalokohan na nagbibigay saya
asan na ang perang pinaghahatian pa
parang kailan lang lahat ay nabago na
wala na ang dating sigla
ang noo’y kahit walang pera pero masaya
sama sama na para wala ng sawaan
Parang kulang ang nakaraan natin
kung iisipin parang nakakabitin
ka’y bilis ng panahon
parang tinangay ng alon
gustong mabuo muli kahit sandali
para bang laging nagmamadali
siguro nga’y nananabik
sa muling pagkikitang laging nababali
Kailan lang ba nung tayo’y kumpleto pa?
kailan lang ba nung tayo’y huling nakipaghabulan sa araw?
kailan lang ba nung tayo’y kumain ng sama sama?
para tayong mga bata..
lagi tayong gala
laging nagkakasundo sa mga kalokohan
dahil ito ang dahilan ng pagkakakilanlan
marami na tayong napagdaanan
marami na tayong luhang nalampasan
lahat tayo’y nagdadamayan
kahit minsa’y walang pagkakaunawaan
nahiwalay ang iba
nabawasan ang labing isa
mas masaya na sana
kung buo ang barkada
asan na ang dating pagkakaibigan?
asan na ang dating karanasan?
asan na ang mga kalokohan na nagbibigay saya
asan na ang perang pinaghahatian pa
parang kailan lang lahat ay nabago na
wala na ang dating sigla
ang noo’y kahit walang pera pero masaya
sama sama na para wala ng sawaan
Parang kulang ang nakaraan natin
kung iisipin parang nakakabitin
ka’y bilis ng panahon
parang tinangay ng alon
gustong mabuo muli kahit sandali
para bang laging nagmamadali
siguro nga’y nananabik
sa muling pagkikitang laging nababali
Subscribe to:
Posts (Atom)