Monday, August 24, 2009

pasilip...

4 Leave your comment
tagal kong nawala pasensiya naman...

busy busyhan lang sa training..

dont worry babalitaan ko kayo

pag pumasa ko... hahaha... lolz..


oh pano yan na lang muna?..

hirap pag graveyard shift..

sarap matulog ee...

zzzZZZ pasok na mamaya...

Wednesday, August 12, 2009

Nagbabalik

3 Leave your comment
oo na ang tagal ko nawala... pakiramdam ko isang taon ako hindi nakapagsulat

bakit kaya ganun yung pakiramdam? busy na kasi.. natanggap ako sa inaapplyan ko

akalain mong tumatanggap pa pala sila ng hindi tao? wahaha ewan ko ba sa mga yun

tinawagan ako.. mukhang no choice lang ata wahaha.. ayun baka weekends na lang ako

dito.. salamat sa mga laging andito sa bahay ko.. mwuah mwuah mwuah..

babay muna ,.. training ko na sa friday wish me luck.... ;)

Saturday, August 1, 2009

Condolence

5 Leave your comment


"She really put into practice defending not only the rights of her friends but even those who would oppose you, relinquishing her power as fast as possible with adoption of the 1987 constitution. And, then, I can go on and on," he said.

Corazon Aquino is widely respected for leading a peaceful and popular movement in the late 1980s that overthrew dictator Ferdinand Marcos.

The "people power" movement that swept Corazon Aquino into the presidency was felt not just in the Philippines but also across the world.

Our Mom.. Tita
..Friend a sister
....bestfriend.. and a great companion...

babay tita cory...

Thursday, July 30, 2009

Misteryosong magna...

10 Leave your comment
Kaninang umaga pagising ko may hindi inaasahang pangyayari sa loob ng bahay...

ang aga aga ko nagising mga bandang 6:00am kasi naman nagiingay yung tatay ko... pilit na hinahanap yung 400+ nya sa wallet,dahil wala siyang pamasahe at isa pa hindi pa siya nakakapag widthdraw.. ang nakakainis dun napagbintangan pa ako.. anu ba namang malay ko dun noh?, kahit ba bebente pesos na lang ang laman ng wallet ko ay hinding hindi ako mangunguha ng pera lalo na sa tatay ko inaamin ko nung bata pa ko piso piso oo.. hahah.. (seryoso na ulit..)

Nagising na kaming lahat.. hindi parin mahanap ng lintik na pesos sa wallet niya na iniwan niya sa pantalon niyang nakasabit banda sa likod ng bahay namin... Unang pumasok sa isip ko is namisplace niya lang yon, ganon naman kase tatay ko makakalimutin at dun ako nagmana.., maya maya yung kapatid ko bumanat!!..

"asan yung cellphone ko?" abat!!.. naloko na!!!.. nawawala na rin pala ang cellphone niya!.. ngayon yung cellphone naman ang hinanap namin.. hanap hanap hala sige hanap.. hanggang sa....

walang nangyari.. sinubukan kong tawagan... "The number you dialed is out of coverage area" diba its either nakapatay or walang signal yun.. pag ganun ilang beses ko inulit.. makalipas ang mahigit isang oras na paghahanap.. sinubukan ko uling tawagan,, aba!!

Nagring!!... ring ring ring,,,, biglang may sumagot!! "^&**$%,.;"|\!~^" wala akong naintindihan kundi ingay sa labas... "HELLO!!!" walang sumasagot! biglang binaba,, aba loko!.. tinawagan ko ulet... to the nth times.. nagriring ulet... biglang binaba.... isa pa!!!... walang susuko!.. toooooot!! "The number you dialed is out of coverage area" aray!! pinatay na.. wala ng pag-asa.. duon na ko kinilababutan... tama ba? kinilabutan ayan..

Dun na pumasok sa isipan naming wala pa sa wisyo at gulat na gulat.. dahil kagigising lang.. pare-pareho na may nakapasok sa loob ng bahay!!... pero ang malaking tanong eh.. BAKIT YUNG CELLPHONE AT PERA LANG NG TATAY KO ANG TINANGAY?... iniwan pa pati wallet ng tatay ko kinuha lang pera?... aba talaga nga naman...

siyete ayuko magisip kinikilababutan talaga ko!,,.. kasi kung iisipin mo dapat tinangay na niya LCD ng computer,, stove hindi pwede baka sumabog.. yung speaker ng computer... mahal daw yun sabi ng kapatid ko,. tapos yung cellphone ko at nung isa ko pang kapatid at cellphone ng tatay ko?,, bakit ganun?

Base sa aking obserbasyon.. hindi na-ilock mabuti ang pintuan namin.. amp!!!,.. haayss,,, isa pa yung cellphone ng kapatid ko eh nakacharge ng mga panahon na yon.. kaya siguro nakita niya rin pati cellphone.. eto pa take note. yung bente pesos ko sa bag ko.. wow!! nadale rin pala huli ko na nung nalaman ko... ipangloload ko pa sana yun tinamad lang ako, buti na lang din wala akong pera.. na sa ATM ko.. haaay papasalamat parin ako... dahil wala naman nasaktan kasi d naman pwersahan ang pagnanakaw... pero hindi ko parin lubos na maisip kung pano nakapasok yun ng hindi man lang nagpaalam,.. este hindi man lang namin naramdaman,..

Wednesday, July 29, 2009

may asim pa sila..

10 Leave your comment


haha tawa ko ng tawa habang ginagawa ko ito..
lalo na nung pinakita ko na sa nanay at tatay ko.. hahaha pinagtripan ko silang gawan nito...

Tuesday, July 28, 2009

Bakit ba kase may EXAM?

7 Leave your comment
..Exam, exam, exam.. pagkatapos ng lessons..

EXAM..

pagkagraduate..

EXAM..

pag-magaapply ng trabaho...

EXAM parin??

bakit? ito ba talaga ang sukatan ng talino ng isang tao??.. haaaay anu pa ba ang ibang pwedeng maging basehan? edi EXAM!.. sabi ko nga eh.. kailangan ba pag mag eexam nakapormal??.. kailangan bang ipasa mo ang exam? wapak!!


Monday, July 27, 2009

Church Cleaning MODE

3 Leave your comment


yun oh!!... ang sisipag hehe lam na yan ni Lord..




.... hindi ko akalain na matatanggal nyo yan pipz.. he he he




totoo ba yan? girls? ahehe..



Ang kintab.. panalo!!.. way to go YOUTH!!!

hehe matapos ang chruch cleaning.. anu pa nga ba? edi pictyuran time!!! haha











Wednesday, July 22, 2009

New7Wonders of Nature

3 Leave your comment

Puerto Princesa Underground River


Country:
PHILIPPINES

The Puerto Princesa Subterranean River National Park is located about 50 km north of the city of Puerto Princesa, Palawan, Philippines. It features a limestone karst mountain landscape with an 8.2 km. navigable underground river. A distinguishing feature of the river is that it winds through a cave before flowing directly into the South China Sea. It includes major formations of stalactites and stalagmites, and several large chambers. The lower portion of the river is subject to tidal influences. The underground river is reputed to be the world's longest. At the mouth of the cave, a clear lagoon is framed by ancient trees growing right to the water's edge. Monkeys, large monitor lizards, and squirrels find their niche on the beach near the cave.





Bumoto na kau guys sa seven wonders of Nature... Click neo lang yang pic.. sa taas.. for those who are interested.. dali dali ipagmalaki ang sariling atin.. hehe



HP Fan

0 Leave your comment

haaaay nauwi sa HP ang papanuoring ICE AGE 3 at di matatawarang Transformers... pero try nyo maganda siya... kung talagang Fan kau ni Harry

Saturday, July 18, 2009

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin