Thursday, July 30, 2009

Misteryosong magna...

10 Leave your comment
Kaninang umaga pagising ko may hindi inaasahang pangyayari sa loob ng bahay...

ang aga aga ko nagising mga bandang 6:00am kasi naman nagiingay yung tatay ko... pilit na hinahanap yung 400+ nya sa wallet,dahil wala siyang pamasahe at isa pa hindi pa siya nakakapag widthdraw.. ang nakakainis dun napagbintangan pa ako.. anu ba namang malay ko dun noh?, kahit ba bebente pesos na lang ang laman ng wallet ko ay hinding hindi ako mangunguha ng pera lalo na sa tatay ko inaamin ko nung bata pa ko piso piso oo.. hahah.. (seryoso na ulit..)

Nagising na kaming lahat.. hindi parin mahanap ng lintik na pesos sa wallet niya na iniwan niya sa pantalon niyang nakasabit banda sa likod ng bahay namin... Unang pumasok sa isip ko is namisplace niya lang yon, ganon naman kase tatay ko makakalimutin at dun ako nagmana.., maya maya yung kapatid ko bumanat!!..

"asan yung cellphone ko?" abat!!.. naloko na!!!.. nawawala na rin pala ang cellphone niya!.. ngayon yung cellphone naman ang hinanap namin.. hanap hanap hala sige hanap.. hanggang sa....

walang nangyari.. sinubukan kong tawagan... "The number you dialed is out of coverage area" diba its either nakapatay or walang signal yun.. pag ganun ilang beses ko inulit.. makalipas ang mahigit isang oras na paghahanap.. sinubukan ko uling tawagan,, aba!!

Nagring!!... ring ring ring,,,, biglang may sumagot!! "^&**$%,.;"|\!~^" wala akong naintindihan kundi ingay sa labas... "HELLO!!!" walang sumasagot! biglang binaba,, aba loko!.. tinawagan ko ulet... to the nth times.. nagriring ulet... biglang binaba.... isa pa!!!... walang susuko!.. toooooot!! "The number you dialed is out of coverage area" aray!! pinatay na.. wala ng pag-asa.. duon na ko kinilababutan... tama ba? kinilabutan ayan..

Dun na pumasok sa isipan naming wala pa sa wisyo at gulat na gulat.. dahil kagigising lang.. pare-pareho na may nakapasok sa loob ng bahay!!... pero ang malaking tanong eh.. BAKIT YUNG CELLPHONE AT PERA LANG NG TATAY KO ANG TINANGAY?... iniwan pa pati wallet ng tatay ko kinuha lang pera?... aba talaga nga naman...

siyete ayuko magisip kinikilababutan talaga ko!,,.. kasi kung iisipin mo dapat tinangay na niya LCD ng computer,, stove hindi pwede baka sumabog.. yung speaker ng computer... mahal daw yun sabi ng kapatid ko,. tapos yung cellphone ko at nung isa ko pang kapatid at cellphone ng tatay ko?,, bakit ganun?

Base sa aking obserbasyon.. hindi na-ilock mabuti ang pintuan namin.. amp!!!,.. haayss,,, isa pa yung cellphone ng kapatid ko eh nakacharge ng mga panahon na yon.. kaya siguro nakita niya rin pati cellphone.. eto pa take note. yung bente pesos ko sa bag ko.. wow!! nadale rin pala huli ko na nung nalaman ko... ipangloload ko pa sana yun tinamad lang ako, buti na lang din wala akong pera.. na sa ATM ko.. haaay papasalamat parin ako... dahil wala naman nasaktan kasi d naman pwersahan ang pagnanakaw... pero hindi ko parin lubos na maisip kung pano nakapasok yun ng hindi man lang nagpaalam,.. este hindi man lang namin naramdaman,..

Wednesday, July 29, 2009

may asim pa sila..

10 Leave your comment


haha tawa ko ng tawa habang ginagawa ko ito..
lalo na nung pinakita ko na sa nanay at tatay ko.. hahaha pinagtripan ko silang gawan nito...

Tuesday, July 28, 2009

Bakit ba kase may EXAM?

7 Leave your comment
..Exam, exam, exam.. pagkatapos ng lessons..

EXAM..

pagkagraduate..

EXAM..

pag-magaapply ng trabaho...

EXAM parin??

bakit? ito ba talaga ang sukatan ng talino ng isang tao??.. haaaay anu pa ba ang ibang pwedeng maging basehan? edi EXAM!.. sabi ko nga eh.. kailangan ba pag mag eexam nakapormal??.. kailangan bang ipasa mo ang exam? wapak!!


Monday, July 27, 2009

Church Cleaning MODE

3 Leave your comment


yun oh!!... ang sisipag hehe lam na yan ni Lord..




.... hindi ko akalain na matatanggal nyo yan pipz.. he he he




totoo ba yan? girls? ahehe..



Ang kintab.. panalo!!.. way to go YOUTH!!!

hehe matapos ang chruch cleaning.. anu pa nga ba? edi pictyuran time!!! haha











Wednesday, July 22, 2009

New7Wonders of Nature

3 Leave your comment

Puerto Princesa Underground River


Country:
PHILIPPINES

The Puerto Princesa Subterranean River National Park is located about 50 km north of the city of Puerto Princesa, Palawan, Philippines. It features a limestone karst mountain landscape with an 8.2 km. navigable underground river. A distinguishing feature of the river is that it winds through a cave before flowing directly into the South China Sea. It includes major formations of stalactites and stalagmites, and several large chambers. The lower portion of the river is subject to tidal influences. The underground river is reputed to be the world's longest. At the mouth of the cave, a clear lagoon is framed by ancient trees growing right to the water's edge. Monkeys, large monitor lizards, and squirrels find their niche on the beach near the cave.





Bumoto na kau guys sa seven wonders of Nature... Click neo lang yang pic.. sa taas.. for those who are interested.. dali dali ipagmalaki ang sariling atin.. hehe



HP Fan

0 Leave your comment

haaaay nauwi sa HP ang papanuoring ICE AGE 3 at di matatawarang Transformers... pero try nyo maganda siya... kung talagang Fan kau ni Harry

Saturday, July 18, 2009

TRANSPORTMERS!! astig!!

7 Leave your comment







cool... pinadala sakin ng former teamate ko sa col center

MJ's Hair on fire!!

3 Leave your comment


He didnt even notice at first.. It's good that He made his head spin that time,,

I was shocked after my brother showed me this video while he was watching MJ's other videos last night.Surprisingly, when I watched the news and saw it, found out that it's their first time they've published the video.Other people can't wait to see this

Friday, July 17, 2009

Let's play the maze

6 Leave your comment
Have you heard about this game??.. if yes..no need to play it .... okay?


Make sure your audio is turned on. it's cool tell me what level you stop by giving me a comment

INSTRUCTIONS

1. Guide the blue point through the maze.
2. Don't touch the walls
3. Touching the walls will bring you back to the beginning of the game
4. You have to reach the red wall to finish the level
5. Enjoy and have fun..

just click this link here... START GAME

Wednesday, July 15, 2009

Kandila

2 Leave your comment


Bukas sa pag gising mo’y
Babangon ang umaga
Dala ang pag-asa
Na matagal ng nawala

At bukas sa pag gising mo’y
Wala na ang problema
Nilimot na ng panahon
At inanod ng alon


Handa ng tawirin
Handa ng harapin ang mundo
Kaya’t gising na kaibigan
Buksan ang ‘yong isipan
At subukang pakinggan
Ang tinig ng karamihan
Ang boses ng (kabataan/puso mo)
Gising na kaibigan ko

(Gising na/Bukas sa) pag-gising mo’y
Sisikat din ang araw
Dala ang pag-ibig
Na matagal nang hinihintay

At kung sakali mang dumating
Na lumipas ang panahon
Iyo pa ring mararamdaman
Nandun pa rin ang apoy

Handa ng tawirin
Handa ng harapin ang mundo


Hindi na mangangamba
Hindi na malulumbay
Hindi na matatakot ang puso
Na muling magmahal
At umibig na lubos,
Lumipad patungo sa iyong tabi

-Sugarfree


Tuesday, July 14, 2009

Hindi niya ako pinatulog..

11 Leave your comment
Isang gabi, .. patulog na sana ako... ng..

"Tin pahiramin mo nga ako ng bolpen at intermediate pad mo isa lang dali"

hihiga na sana ako sa kama ko habang inaabot ko ang lapis at papel may biglang....

sh*t! (hindi ako palamura peksman) iP-pis!... wapak!..

"Tin takbo" ayun!!

"ate anu ba yun?" (inosenteng mukha)

"IPISssss!!!."

Napatalon ako mula sa kama ko.. ang taas pa naman ng dobol deck. aw!

haha parang natawa ko sa sarili ko kasi yung kapatid ko dedmakels lang..

inaamin ko takot ako sa ipis kapag lumilipad...

Pesteng ipis!!! nakalimutan ko tuloy kung anong isusulat ko sa gulat ko..

Hala!! hindi na ko mapakali.. dahil sa lilipad-lipad na ipis malapit sa kama ko...

Ayoko ng mahiga!.. hindi ako titigil hanggat hindi kita napapatay..

biglang nawala!!,,

Waaaa!!! asan na yun?

"ate anu ba yun ipis ba?"

gusto ko ng batukan yung kapatid ko na abala sa pag-aaral ng leksyon

hinintay ko hanggang lumabas, nakakapagod ang walanghiya..

"Ano ka ba!!!" may ipis na nga hindi ka pa kumilos diyan!!

"Tignan mo nga (2x) don!!... dali!" (para kong siraulo nung gabing yon)

"wala na Te"..

(hinga malalim) lilingon lingon sa paligid, nawala ang lintik na ipis..

"Wala na!!! ano ka ba matulog ka na nga!!"

Aba ako pa tuloy ang napaginitan ng kapatid kong asarin.. tsk!!

haaay napagod ako kakahintay ayun hanggang sa antukin na ko,,,,

hikab hikab...

at...

aba'y teka,,, eto na naman siya!!!!!!

lakas mang-badtrip ng ipis na 2...!!..

Mga Sumagot sa Liham ni Doday

0 Leave your comment
Mula kay egat

advice lang eto ah, baka sya ang meron ibang mga babae... ganyan din ako noon..


Mula kay Fjordan Allego

si doday naman.. ngayon lang yata nainlab... ganyan talaga yan.... kailangan niyong malagpasan yan.. kung hindi, malamang hindi kayo para sa isat isa.. ganun lang yun!


Mula kay ACRYLIQUE

Ako ang nahirapan sa pagbasa ng liham mo Doday.

Maghanap ka na lang ng iba. :)



Sunday, July 12, 2009

LIHAM mula kay Doday

5 Leave your comment
Der Ati at koya,

Baket pu ba ganeto? ako na lang pu lage ang may male..? (mali) aku na lang lage ang may kasalanan? sa ameng dalawa ng buyprind ko? kase po akala neya tinotaym ko seya eh hende naman po tutou yon, ang sabe pa neya madame daw akong lalake eh wala naman talaga sa totou lang. ano po ba dapat kong gawen? naheherapan na po kase ako eh pakeramdam ko lage na niya ako niluluko para makagante seya sa aken.. Nagawa ku na naman po lahat para mapatonayan kong mahal ko seya ee. Gosto ko na nga po somoko mensan ee piro mahal ko talaga ee wala na ko magawa. tolongan neyo naman po ako..

nagmamahal,
Doday

PS eto po ang akeng pektyur. kayu na po ang manghosga




Saturday, July 11, 2009

Wala akong maisip

5 Leave your comment
hirap talaga mag-isip kapag wala kang isip!.. nakakachallenge hehe

marami akong gustong iimport d2 sa blog ko

1 kulang sa oras
2 tinatamad ako madalas
3 nakakapagod.. unsupported
4 ang dami dami. Masyadong matrabaho


UMIRAL na naman ang katamaran ko..

haaay bakit ba kasi ngayon lang ako nakalipat ng bahay ko?

minsan puntahan nyo din ang luma kong bahay. It's for you to find out.

wahaha... wala na naman akong magawa!!

Nagbukas na naman ako ng PC wala na naman ginawa, nagsayang na naman ako ng oras.

May mga oras din pa lang tinatamad kang magsulat.. totoo pala yun.

hirap talaga kapag walang magawa.
hindi rin naman ako makatulog. Gising na
gising naman ang diwa ko..

wala akong maisip! walang pumapasok sa
walang laman kong utak..
magulong magulo ang isip at damdamin ko


Friday, July 10, 2009

Ayoko nga!

0 Leave your comment

Alas diyes na ko nagising.. ang sakit ng ulo ko ewan ko ba dahil siguro sobra na ang tulog ko.. ang alam ko sasamahan ko ang kapatid ko na magpainjection. dahil sa kagat ng aso ng kapitbahay namin.. sa totoo lang, tatay ko ang unang biniktima ng asong iyon sumunod lang ang kapatid ko. Ayoko talagang samahan ang kapatid ko dahil nung malaman kong sa maynila pala siya iinjectionan sinabi ko sa sarili ko ayoko na lang. Maynila? kapag naririnig ko yan naiinis ako.. ang alam ko kase magulo, madaming tao, mabaho at maraming krimen at isa pa ayoko magmukhang tanga o talagang tanga lang ako, dahil wala talaga akong msyadong alam sa maynila.. at matagal na rin nung huli akong nakarating doon wala na ko masyadong matandaan. Halatang hindi ako gala. Daig ko pa ang probinsiyanang aaanga-anga. Nasabihan pa ko ng nanay ko "ang laki laki mo na!" eh sa ayoko nga! no choice kaya ayun napaligo at bihis na ko kahit masakit ang ulo ko.Hindi ko alam ang sasakyan namin kaya tinanong ko na muna sa nanay ko ang buong detalye ayokong maligaw isa pa wala kaming pera. Malayo layo rin ito mula sa amin. siguro mahigit isang oras ang byahe. Sa wakas natunton ko rin ang aming pupuntahan,, pagpasok sa ospital sa isang publikong ospital sa maynila may isang lalaking sumigaw , agaw atensiyon,,lahat ng tao napatingin at naki-usyoso.. .. nagsisisigaw ito at inaawat ng iilan tanaw ko pa ito sa kinatatayuan ko pero humaba parin ang leeg ko.

"bakit siya kinuha" (naghahagulgol ito at pilit na pinupukpok ang pader)

...."ganyan talaga anak"
kulang na lang magwala. haaay wag na tayong mang-himasok ng ibang buhay,

Habang naglalakad may napansin akong taong ngingiti ngiti sakin. Si ninang pala!!.. ayun walang sawang batian at kamustahan.

Mabilis na nainjectionan ang kapatid ko, ganon talaga siguro kapag sa ospital nagtatrabaho ang isa sa mga kamag-anak mo o may kakilala ka.. mapapabilis ang proseso kung tutuusin ang haba ng pila. Wala pang ilang minuto tapos na ang lahat.

Habang papaalis na kami napaisip ako bigla... hindi ko nga pala alam ang pauwi. ang alam ko kase iba ang dinadaanan pag-uwi. nagtanong tanong na lang ako. Ibang iba na doon natatandaan kong hindi yun tulad dati,ang dami daming umiihi sa pader. ang baho na tuloy ng paligid kaasar!.. hanggang sa marating ko ang sakayan, may binibigay na parang token pagkatapos magbayad. ayun nagmukha na naman akong tanga, habang nasa loob ng jeep siya naman lakas ng buhos ng ulan, naku! heto pa ang trapik, naiinip na ko. Saka ko lang naalala na dala dala ko pala ang libro ni Bob Ong, ayun dinaan ko na lang sa pagbabasa.Mangangalahati na ko sa isang pahina ng may biglang nagtanong.

"Ma dito na ba?"
.. "wala pa ho malayo pa"

buti na lang kasi kung walang nagtanong baka maposes na naman ako ni Bob Ong at makalagpas sa aming bababaan, habang tuloy parin ang pagbagsak ng ulan. Wala kaming payong!

Sanay akong iisa lang ang sinasakyan pauwi.. sasakay pa pala kami ng isa pa..ayun sosyal nag FX kami kung hindi ko lang kasama kapatid ko malamang nag-jeep ako o bus na hindi aircon. Sa pagkokomyut hindi ako mapili sa sasakyan basta wag lang mabagal ayokong maimagine na parang may patay.

Mainit ang ulo ko! pano ba naman kasi may dapat akong puntahan pagkatapos ng injection, minadali ko na lang ang lahat pero wala pala akong mapapala.

sa wakas nakauwi na rin kami. gutom na ko, namiss ko ang pishbol at siomai mga pagkaing ipinagkait sa akin ng aking alergy. haaay




Thursday, July 9, 2009

Larawan sa kalsada

0 Leave your comment
Gabi na! pero naglilinis pa rin ako ng kwarto...

Naghalungkat ako ng mga kalat ko may napansin akong mga litrato mula sa isang sulok nito. Bigla akong natawa.
mukha pala akong tanga dito...

...kuha mula sa kalsada sa Makati


Hoy!! saan ka pupunta?.. bumalik ka dito nagising ka na ba sa katotohanan? hahaha


ang iksi pa ng hair ng lola mo.. trip trip namin nung nagtatrabaho pa ko sa Bangko

hindi ko yan boyfriend. ako po'y nananawagan sa batang lalaki na yan pag nakita nyo tawagan niyo ko agad..



Wednesday, July 8, 2009

tinanong ako..

4 Leave your comment
Tinanong ako... (tanong na muntik ko ng ika-hulog sa upuan ko)

"Nasa harapan mo ang Diyos ngayon anong sasabihin mo?"

- awts!! kakagulat ah!! anyways well for me siguro "oh my God" kaharap ko na siya!!.. siyempre siya ang first love ko eh... hmmm.. masaya ko kasi kapag kaharap ko na siya ibig sabihin ligtas ako kasi na sa heaven na ko...

una sa lahat hihingi ako ng tawad.. hellow? dami ko kayang kasalanan kapal naman ng mukha ko.. diba? pero siyempre picture picture muna!! pangarap ko yun noh!!.. ok seryoso na.. tapos ayun iko-confess ko lahat lahat ng kahinaan at pagkukulang ko sa kanya lalo na ang mga kalokohan ko no joke.. haaayy titigil ang mundo ko nun.. at isa pa mapapaluha siguro ako ng todo!.. baka mayakap ko pa siya sa sobrang iyak, tapos hihingi ako ng thank you sa lahat lahat kahit sa mga problema ipagpapasalamat ko parin yun

ewan ko marami na akong pinangako sa kanya ngunit iilan lang dito ang natupad.. napakahirap maging matuwid lalo na sa panahon ngayon maraming temptations.. ewan ko ba kase kung bakit ang hirap iwasan!.. Kahit alam ko na ang Diyos ay marunong magpatawad hindi nangangahulugang pwede na natin abusuhin lahat.. diyan tayo nagkakamali..

"Bakit kung kailan mo pa siya makakaharap saka mo lang gagawin o sasabihin yan?"

- Isa pang awts!!.. ha? ah eh kulang na lang mapakamot ako sa ulo ko.. alam ko ginagawa ko yun humihinga ako ng kapatawaran, makasalanan ako alam niya yun... pero ibang usapan na siguro kapag kaharap ko na ang Diyos. at siyempre pagakatapos ng lahat marami din akong itatanong sa kanya..

"ayan pwede na ba yang sagot ko?"

"Ano ba ang una mong itatanong kung saka-sakali?"

- Unang una siyempre ang ating bansa (weh? hindi nga? cgurado ka ba?)may pag-asa pa bang umunlad? pangalawa siyempre pang-sarili ko na yun (sakin na lang yun at alam na niya yun matagal na) pangatlo sa mga mahal ko sa buhay (ayan totoo na) yan lang siguro kasi yung iba na sa BIBLE na rin naman ang kasagutan ee... kung nagbabasa nga ng Bible..

IKAW? NASA HARAPAN MO NGAYON ANG DIYOS ANO ANG SASABIHIN MO?

Tuesday, July 7, 2009

"Kamay"

0 Leave your comment


nagkita kami

hawak hawak niya iyon..

pero parang wala akong maramdaman

nanlamig ako.. sobrang lamig

hinawakan ko ng mahigpit

hanggang sa kaya ko..

mainit ang mga ito..

naramdaman ko na rin ang init nito..

ngayon ayoko ng alisin

umalis sa pagkakahawak dito..

ayoko ng lamigin ulit..

naisip ko..

at naaalala ko..

nung una akong hinawakan ng ganon..

parehong-pareho tulad ngayon

doon ko naramdaman ang isang bagay

bagay na walang makakapantay

na matagal ko ng hinintay


FIND ME

2 Leave your comment



I love this song so much... touchy and very emotional... i Played it many times.


"Find me, here in your arms
Now I'm wondering where you've always been
Blindly, I came to you
Knowing you'd breathe new life from within
Can't get enough of you
I want to be where you are
In times of need I just want you to stay ...."


the more i played it the more i wanted to hear the song...

Monday, July 6, 2009

Sunday, July 5, 2009

Gusto ko ng baboy

3 Leave your comment
pasensiya na sa may-ari ng BABOY na ito... natuwa lang ako at isinali ko sa seminar patungkol sa AH1N1... gusto kong humingi ng tawad,,


bahala ka na kung anong gusto mong gawin..

Sorry,,

sorry ulet,,,
hindi pa yan ang FINALE.. soon ahaha hindi ko pa nkukuhaan yung final ee



Tula-tulaan

0 Leave your comment
Pag-gising sa umaga parang walang problema,,

umagang kay ganda ano kaya ang dala-dala?

mulat ang matang mapungay

para kang may hinihintay...

maya maya'y matu-tulala

wala ka ng magawa,

iniisip kung anong mayroon

ang hatid ng araw ngayon. .


ang simple ng tula haha wala lang.. pag-gising ko yan sa umaga ang ganda kasi ng gising ko ayun type type sa CP... kaso pumanget yung araw ko... pagdating ng hapon... wala ee ganun talaga minsan maganda madalas panget.

"You still have to learn and thank God even it's your worst day"

Ombrophobia

0 Leave your comment
maulan!!...
.. maulan takot ako sa ulan!!!

..saklolo nalulunod na ko!!!

Noong bata pa ako, sa lola ko ako nakatira doon na ko lumaki.. nanay ko na sa ibang bansa pa nung mga panahong iyon, tatay ko lamang ang aking kasama at ang isa ko pang kapatid na lalaki.. speaking of rain...? haayy naku huwag mo nang itanong may phobia ko diyan, bata pa lang ako muntik na kong malunod dahil sa baha.. inaamin ko hanggang ngayon hindi parin ako gaanong marunong lumangoy.. grabe ang baha doon.. lagpas tao ng matanda, lalo naman siguro sakin eh bata pa ko noon, natatandaan ko pa kung sino sino na lang ang bumubuhat sakin para lang ilikas sa baha,, tapos madilim ang paligid dahil gabi... takot na takot ako nun ang lakas lakas pa ng mga kulog at kidlat.. grabe pakiramdam ko katapusan ko na.. ang bilis bilis tumaas ng tubig. ang bagal naman bumaba. laging tulay ang



inaapakan ko noon tuwing tag-ulan kasi malapit yun sa palaisdaan kaya mabilis ang tubig,,

kinailangan ko pang i-search sa internet kung anong phobia yun,, eto pala ay isang Ombrophobia, astig sossy,, basta ayuko sa ulan at sa baha... kakatakot.. lalo naman kidlat.. ODK

Oh Diyos ko...



"sometimes it's good to face your own fears"

Saturday, July 4, 2009

walang laman ang utak punong puno ang puso

2 Leave your comment
hmmm tila wala ako masabi ngayon ang alam ko 4th of july ngayon... independence day?,,
oo..!!! yun lang.. malamang siguro kung nagtatrabaho pa ko sa call center avail ang calls... haha kasi pag holiday wala masyadong tumatawag.. hah petix na naman sila or kung hindi naman tulog sa break room ahehe... mas masaya yung net surfing tapos scandal uploading and viewing.. haha tama na nga binubuking ko sila.. hehehe... miss ko na haaaay hindi yung scandal kundi ung mga teamates ko kahit sandali ko lang sila nakilala marami akong natutunan,,, natutunan ko dapat pala sumasama sa lakad nila paminsan minsan inuman.. at kwentuhan.. eh ang kaso maya maya shift mo na naman ang pagod at kaantok naman ata nun.. haha kulang na lang i-hold mo si customer ng ilang minuto ng wala namang mabigat na dahilan yun pala tulog ka na.. haha .. oh siya siya pag may time pa ikukwento ko sa inyo lahat..

Friday, July 3, 2009

Masarap ang bawal

8 Leave your comment
..sarap!!.. ahehe dala yan ng nanay kong galing sa probinsiya, kararating lang niya kaninang umaga..well malamang alam nyo na kung anong province niya.. alimasag tpos samahan mo ng toyomansi at pili..? mainit-init pa.. yummy... haha actually bawal yan sakin maya maya lang mangangati na ko.. eh masarap talaga kapag bawal..haha..



Hindi ko alam kung anong tawag dito... basta masarap yun na yun,, wahahaha



may dala pa siyang sungka.. nakakamiss din ang larong ito.. haha ramdam na ramdam mo pagka-Pilipino mo kapag nilalaro mo ito,.... haha sino hindi marunong? tuturuan ko hehe...

kapatid ko masyadong seryoso habang naglalaro.. kala mo totoo, kala mo championship ee hahaha




Taho!

5 Leave your comment



Taho!!!... Taho!!... taho!!..

....I've heard that man again crossing our street every morning...

tagal ko na rin palang hindi na-kakatikim ng taho.,, ayun.. I tried..it's good

suddenly my phone beeped...

"monthsarry"




Thursday, July 2, 2009

I still don't understand

7 Leave your comment
...What else? what else?,,, I don't have any damn idea!!!..
what's wrong?

I woke up late.. turn on the tv and watched my favorite show...
I know its late, im in the middle of the scenes that time,
There's one thing I hate as I watched.
I've heard someone said. .

..."Isa kang mantsa na gusto ko ng tanggalin sa buhay ko.."( aysus mali pala ako dapat pala ganito)
"Isa kang mantsa na gusto ko ng burahin sa isipan ko!."

I admit after hearing those words.. I felt a tear on my eye,.
It reminds me of him...

Here's the story
A boy is handling a huge company,his dad is under a critical condition so he had to run the company by the help of his mom..

He decided to let go the girl that makes him happy... what the F*ck!
Is it true that they can choose career from love?

Is BUSYNESS is another thing that separates two person?..
Honestly I really don't understand this. ..
Why does it happen in real life?
For me there's no such thing as BUSY as if you are loving the person

Well, if I were that guy I would rather continue my career and focus as well to the person that makes me happy.. and if ever my family hinders I would go and fight for it.. It can be my inspiration while running that damn company I have,.


well still I dont understand
can you explain to me... WHY!!!?? im still bothered..




Wednesday, July 1, 2009

Mag-isa

0 Leave your comment



.... Dati takot ako mawala pero siguro ngayon masasabi ko unti-unti ko ng natututunang mag-isa.. siguro nga dahil wala na kong nakikita pang dahilan para tumuloy at isa pa parang wala na rin namang mangyayari kung ipagpapatuloy pa.,. aaminin ko man... masakit para sakin pero habang tumtagal ayun na... eto na siya malapit na ko masanay sa kung anong meron ngayon. Dumating na rin sa point na naitanong ko sa sarili ko "pagod na ba ko?". kung tatanungin ako mas gusto ko yung nakaraan.. kaso kahit bali-baliktarin mo man ang mundo hindi na pwede kaya mas ok na rin yung ganito.May narinig ako sabi nila mas ok lang daw yun sa umpisa, may point sila, ganun naman talaga diba? hanggang sa magsawa ka na, pero ako? wala ata yan sa vocabulary ko.. maliban na lang kung nasasaktan na ko pero ewan ko hindi ko rin masasabi.. , hindi ko talaga alam kung ang tao eh marunong talagang magpatawad eh. Ang Dios alam ko oo, pero ang tao, diyan ako may doubt..Eh bakit naman ako kapag mahal ko isang "sorry lang pakipot pa ko minsan" kailangan eh.. para umiral naman ang kilig.. paminsan-minsan, haay nakakamiss kaya.... kung ako sa inyo hangga't nasa inyo pa wag niyo sayangin yung mga araw na meron kayo... okay?.. (hindi naman nasayang eh)

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin