Wednesday, June 11, 2008

Bolpen

0 Leave your comment
ako’y isang bolpen
na ayaw sumulat
iniwan mo ko’t pinabayaang mag-isa
kahit pa ba ako’y may tinta pa
hindi mo man lang ginawan ng paraan
hindi ka man lang nagpaalam
marahil wala na nga akong silbi sayo
dahil na wala ang dating pagkawili mo

nung una’y tuwang tuwa ka pa
habang ako’y pinansusulat pa
ni hindi mo nga hinahayaang mahawakan ng iba
nilalagyan ng takip at ibinubulsa
hindi mapakali kapag ako’y napapalayo
umamin ka na dahil lagot ka!

minsa’y nakakita ng mas maganda
ngunit ako pari’y binigyang halaga
sa halip ako’y pinagmalaki kumpara sa kanila
isinasabit sa leeg at ginagawang libangan
kapag wala kang maisip
ako ang iyong sinisipsip

lahat ng na sa isip
ako ang shang gumuguhit
tumulong sa mga pagsusulit
tinulungan kitang magsulat
kasama mo ko hanggang sa iyong pangarap

ngunit ngayon nagbago ang lahat
wala ng natira kahit isa
hinayaan mo akong mapaglaruan ng iba
nagpagulong gulong at maapakan pa
ngayon ako’y nagtatae na
ako’y isang bolpen walang kwenta
at nagiisa..

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin